LOW INVESTMENT MINIMUMS
A mutual fund can be an easy entry to investing as you don't need a large amount of money to start.
Sa karamihan ng mutual funds, kailangan mo lang ng P1,000 para mag-simula, at P500 para panghulog o top-up.
Kung mag-member ka sa IMG, automatic mutual fund investor ka na sa IMG Soldivo Strategic Growth Fund, ay may panimulang investment na P1,000!
At hindi lang iyon!
Ang IMG members, pwede mag-top-up o hulog ng P20 lang!
Wala nang excuse para hindi mag-ipon at invest!
LIQUIDITY
You can get in and out of the investment with relative ease.
Ang ipon o investment sa mutual fund, ay maaring makuha agad. Magsubmit ka lang ng withdrawal o redemption request, makaraan ng isang linggo, nasa iyo na ang pera!
Hindi ito pareho ng lupa, o bahay, o alahas o painting na kung gusto perahin, maghahanap ka pa ng buyer.
Ang mutual fund company ay laging handa bilhin ang iyong mutual fund shares.
Meaning anytime pwede mong i-withdraw, some MF companies may mga charges pero kapag nalagpasan mo na ang holding period wala na itong charges. Parang bank lang din ang MF, ang pinagkaiba lang ay sa Bank madali mo siyang makuha sa thru ATM, unlike sa MF 3-7 days pa para ma-withdraw ang pera. So, wag na wag mong ilalagay lahat ng pera mo sa MF, make sure na may laman pa rin ang Savings Account in case of emergency.
DIVERSIFICATION
Risk is spread out over a large number of industries & asset categories to help minimize loss.
Yung P5,000 mo na yun ay mabibili agad ng minimum 10 BIG Companies (Blue Chip Companies) yan yung mga companies na matatagal na talaga. Hindi ka basta basta malulugi sa MF dahil DIVERSIFIED na siya, dahil khit malugi man ang 3 companies let’s say si PLDT, Meralco, BDO. Yung remaining 7 companies naman ay kumita, still kumita ka pa rin.
PROFESSIONAL MONEY MANAGEMENT
Professional money managers research, select and monitor the performance of the fund purchases.
Kung nag-sisimula ka palang sa pag-iinvest much better na ipaubaya muna natin ito sa mga experts (Professional Fund Managers) at kapag familiar kana sa sistema ng Stock Market dun kana mag-start ng direct investing. Kumbaga sa pampasaherong jeep, kung hindi ka pa marunong mag-drive, ipaubaya mo muna ito sa driver. Sumakay ka lang muna at makakarating ka ng safe sa pupuntahan mo.
Gains/ Profits are Tax-Exempt
Kapag bumili tayo ng isang bagay merong tinatawag na sales tax/value added tax. Kapag nag-withdraw tayo sa savings account natin merong tinatawag na withholding tax at kahit na mamatay tayo meron pa ring tinatawag na estate tax. Pero sa Mutual Funds, walang tax. Kung ang money mo sa MF ay P100,000 at nagwithdraw ka, buong-buo walang labis, walang kulang P100,000 pesos pa rin yan.
Enjoy forever Zero Sales Load or Entry Fee
Ang typical na mutual / investment fund ay may tinatawag na sales load, o entry fee.
Halimbawa, 3.5% ang sales load. Sa P10,000 na investment, kakaltasin ang 3.5% o P350, kaya ang mapupunta sa investment ay P9,650 na lang.
Kung ikaw ay IMG member, at kumuha ka ng mutual fund gamit ang IMG account mo, mayroon tayong ZERO sales load! Kaya ang iyong P10,000 investment ay buong P10,000 mapupunta sa mutual fund!
Transparency
May matatanggap kang SOA (Statement of Account) quarterly, dun nakalagay kung ilang shares na meron ka at magkano na total ng kinita ng pera mo. Since Shareholder ka ng MF Company, may karapatan kang umattend ng mga Shareholder’s Meeting, dun ididiscuss kung saan ba ininvest ang pera natin, ano ba naging performance this past few months or year. Sa Mutual Funds you’re a Shareholder or Stockholder of the Company.