Malaki ang impact ng kamatayan ng member sa kanyang pamilya.
Lalo na kung siya ay breadwinner.
Ang proceeds ng Group Life insurance,
ay maaring
pampalit sa kita
pampaaral sa anak
pambayad sa utang
pang sagot sa final expenses (burol, libing)
Mahusay na benefit ito sa members.
Ang member ay magiging confident na covered ng Group Life insurance ang ilang pangangailangan ng pamilya kung sila ay kunin ni Lord ng maaga.
Ang member na confident ay mas masaya, inspired at ganado na kasama sa group.
Ang Group Life ay budget friendly sa group.
Madalas na ang group ay nag-a-abuloy o tumutulong sa pamilya kung may namatay na member.
Kapag lampas isa ang namatay sa isang taon, baka hindi mag-kasya sa budget para sa abuloy.
Ang Group Life insurance benefit ay katumbas na tulong ng group sa pamilya ng pumanaw na member.
Predictable at fixed ang budget sa premium.
Maski ilan ang mamatay na member.
At dahil pangmaramihan,
mas mura din ang Group Life insurance (pakyaw o wholesale),
kaysa individual life insurance (tingi o retail)
Magandang epekto sa "culture" ng group.
Ang Group Life insurance ay isang paraan para sabihin ng group sa member na sila ay mahalaga sa group.
Ito ay paraan para sabihin na mahalaga din ang pamilya ng member
Ito ay nagsasabi sa member na handa ang group tumulong, sa maiiwan ng member.
Customizable o pwedeng baguhin.
Ang Group Life
pwedeng may dagdag na benefits
pwedeng may sub-groups
( officers, members, at pamilya ng members )
pwedeng flexible ang schedule ng bayad
pwedeng bayad ng group, o bayad ng member, o hati ang bayad
pwedeng may kasamang health benefits!
etc
Types ng Group Life Insurance
Group Yearly Renewable Term
Ang pinaka popular na Group Life insurance, kung saan ang policyholder, karaniwan ay kumpanya o organisasyon (group) ay may taunang (yearly) kontrata na maaaring ituloy o baguhin (renewable) para sa takdang panahon (term)
Group Creditor Life
Group insurance kung saan ang insured ay ang mga may utang o kailangang bayaran sa group, at ang karaniwan na coverage ay ang halaga ng utang. Para sa mga nag-papautang na coop, o financing companies. Kung kunin ni Lord ang may utang, ang utang ay babayaran ng insurance company. Maganda ito para sa group, dahil mababayaan. Maganda ito para sa may utang, para wala nang suliraning magbayad ang pamilya ng pumanaw.
Group MicroInsurance
Mas simple na seguro (insurance) para sa mga low-income groups: mas madaling maunawaan, mas madaling bayaran. Ito at pinadali para mas maraming matulungan kapag may nangyaring hindi inaasahan.
Group Hospitalization
Proteksyon sa mga gastusin tungkol sa kalusugan, gaya ng bayad sa ospital, sa doktor, dentista at laboratory.
Benefits ng Group Life Insurance
Ang Group Life Insurance ay laging may death benefit, o benepisyo na ibinibigay kapag ang covered na member ay kunin ni Lord o pumanaw dahil sa COVID19, sakit, aksidente o old age.
Depende sa pangangailangan ng group, maaring mag-dagdag ng riders para makakuha ng dagdag na benefits kung may ibang pangyayari, gaya ng
Acccidental Death and Dismemberment
kung ang member ay namatay sa aksidente, o may maputol na bahagi ng katawan.
Accident Medical Reimbursement
kung ang member ay gumastos pampagamot dahil sa aksidente
Burial Benefit
makukuha agad para magamit sa immediate expenses.
Hospital Daily Income Benefit
pamalit sa kita o income replacement bawat araw sa ospital.
Terminal Illness
makukuha kapag diagnosed na may taning na ang buhay.
Total and Permanent Disability
makukuha kung totally at permanently disabled ng lampas ng anim na buwan.
Critical Illness Benefit
makukuha kapag diagnosed na may taning na ang buhay.
Benefits ng Group Health Insurance
Basic Medical Benefit
Gastos sa ospital
Outpatient
Gastos sa doktor, diagnostics, outpatient procedures at laboratory